-- Advertisements --

Nakaranas ng signal-jamming ang Philippine Coast Guard (PCG) habang sila ay nagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Ayon sa ilang mga miyembro ng PCG na nakatalaga sa BRP Sindangan, nahirapan silang makipag-usap sa gamit nilang satellite phone habang sila ay nasa bahagi ng Spratly Islands.

Ang Parola-class vessel ng PCG ay umikot sa bahagi ng Panganiban Reef (Mischief Reef) at Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal noong nakaraang linggo bilang bahagi ng kanilang routine patrols.

Makikita ang Panganiban Reef sa exclusive economic zone ng Pilipinas at ito ay tinayuan na ng artificial islands ng China.