Nakatanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga donasyon mula sa Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Inc. (AFPMBAI) sa National Headquarters, Port Area, Manila.
Pinangunahan ni Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Inc. President and CEO, Brigadier General Bienvenido Regondola PA (Ret), ang pagbibigay ng mga sumusunod na donasyon sa PCG na kinakatawan ni Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr:
- dalawang utility na sasakyan
- tatlong air conditioning unit
- dalawang laptop
- dalawang heavy-duty copiers
- dalawang lisensyadong antivirus software
- isang DSLR camera
- isang washing machine
Nagpasalamat si CG Vice Admiral Punzalan sa nasabing asosasyon ng AFP sa pagsuporta sa PCG sa mahusay na paghahatid ng kinakailangang serbisyo publiko.
Gagamitin ng Office of the Deputy Commandant for Operations, Office of the Deputy Commandant for Administration, Coast Guard Command Center, Coast Guard Legal Service, Coast Guard Base Farola, Coast Guard District Palawan, at Coast Guard District Southern Tagalog ang nasabing mga donasyon.