-- Advertisements --

cost1

Malaking tulong sa maritime surveillance at reconnaissance patrol ng Philippine Coast Guard (PCG) ang donasyong spy plane o unmanned aerial vehicle ng Federal Republic of the Germany.

Mismong si German Ambassador Anke Reiffenstuel kasama ang German Corporation for International Cooperation Country Director Immanuel Gebhart ang nanguna sa donasyon na personal na tinanggap ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu.

Lubos ang pasasalamat ni Admiral Abu sa German government sa kanilang ibinigay na kagamitan.

Sinabi ni Abu na kanilang kinikilala ang kahalagahan ng unmanned systems sa performance ng coast guard functions.

cost3

Malaking tulong din ito sa maritime surveillance lalo na sa drug interdiction, illegal fishing operations, marine pollution at iba pang mga iligal na aktibidad sa karagatan.

Dagdag pa ni Admiral Abu na magagamit din ang UAV o spy plane sa pag provide ng imagery o larawan para reconnaissance purposes na makapag generate ng high – resolution maps na maaaring gamitin sa ibat ibang maritime scenarios gaya ng damage assessment gaya ng oil spill incident o quick survey sa mga area of interest sa posibleng unlawful acts sa karagatan.

Siniguro din ni Abu na lalo pang lalakas ang partneship ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang German counterpart.