Nakatanggap ang Philippine Coast Guard ng uncrewed surface vessel (USV) mula sa Global Maritime Crime Program ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC).
Bunsod nito, ang PCG ang kauna-unahang maritime security organization sa Southeast Asia (SEA) na nakatanggap ng unmanned surface vessel na may kakayahang mangolekta ng data mula sa himpapawid at sa karagatan.
Batay din sa US National Oceanic and Atmospheric Administration, ang USV ay maaaring i-program o kontrolin ng operators sa dagat para magsagawa ng pre-planned missions.
Nitong Huwebes, nakumpleto na ang harbor acceptance test at sea acceptance trial ng USV sa Subic, Zambales.
Nakatakda sanang isagawa ang isang turnover ceremony sa USV sa PCG headqurters sa Maynila ngayong Biyernes subalit nakansela ito dahil sa conflict sa schedule. Sa kasalukuyan, nasa PCG headquarters ang naturang unmanned surface vessel.