![INFANTA PANGASINAN](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/10/INFANTA-PANGASINAN.jpg)
Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ngayon ng Philippine Coast Guard sa may-ari ng foreign oil tanker na nakabangga sa Filipino fishing boat sa Bajo de Masinloc na kumitil sa buhay ng tatlong Pilipinong mangingisda.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea CG Jay Tarriela, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa port state control ng Singapore kung saan tinatayang patungo ang naturang foreign vessel.
Aniya, mamayang hapon posibleng dumaong ang naturang vessel sa Singapore at inaasahang magsasagawa ng kaukulang imbestigasyon ang mga port state control officers nito sa pakikipag-ugnayan pa rin ng PCG.
Kung maaalala, tatlong Pilipinong mangingisda ang nasawi matapos na mabangga ng oil tanker na Pacific Anna na may flag ng Marshall Islands ang Fiilipino fshing boat na sinasakyan ng mga ito.
Kabilang sa mga nasawi ay ang 47-year-old na kapitan ng bangka, at dalawang crew members nito.