-- Advertisements --

Namataang muli ng Philippine Coast Guard (PCG) sa layo na 34 nautical miles mula sa baybayin ng Pangasinan ang dalwang Chinese Coast Guard vessels sa pamamagitan ng Dark Vessel Detection (DVD) Program.

Sa naging pahayag ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, bandang 9:30am ng umaga nakumpirma ng dineploy na PCG islander aircraft ang mga iligal na presensya na natukoy na vessel numbers 3301 at 3104.

Agad na naghamon ng radio challenge ang PCG sa mga vessels na ito ng China ngunit hindi ito binigyang sagot ng CCG.

Sa ngayon, ang dalawang PCG vessels na BRP Cabra (MRRV-4409) at BRP Bagacay (MRRV-4410) na parehong 44-meter ships, ay itinalaga na sa bahaging ito ng Pangasinan bilang reinforcement at isang sensyales na hindi normal ang mga pagpapatrol ng People’s Republic of China (PRC) sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).

Samantala, pagtitiyak ni Tarriela, mananatiling gagawin ng PCg ang kanilang mandato na protektahan at hindi hayaan ang mga iligal na presensya na ito ng CCG sa katubigan ng Pilipinas.

Patuloy din na maninidigan ang PCG para maprotektahan din ang maritime interests ng bansa na alinsunod sa international law. Mananatili din mapaagmasid at vigilante ang PCG nang maiwasan ang maaaring pagtindi ng tensyon sa WPS.