-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na aabot sa 12 Chinese vessels ang namataan sa bisinidad ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Ayon sa PCG, nagsasagawa ng aerial surveillance ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa naturang lugar ng mapansin nito ang ilang barko ng China doon.

Tinukoy ng ahensya ang mga barko ng China bilang China Coast Guard vessels (3106 at 3104) na nakaposisyon sa labas ng Bajo De Masinloc.

Kasama ng naturang sasakyang pandagat ang aabot sa 7 Chinese maritime militia vessels na nakapalibot sa naturang karagatan.

Namataan rin sa lugar ang ilang People’s Liberation Army Navy vessel na may 50 nautical miles ang layo mula sa coast ng Zambales.

Nagsagawa naman ang PCG ng pamamahagi ng mga pagkain at groceries sa mga Pilipinong mangingisda sa lugar sa pamamagitan ng BRP Teresa Magbanua at BRP Cabra.

Sa kasagsagan ng pagpapatrolya , aabot sa 40 Filipino fishing boats ang namataang nangingisda sa naturang karagatan na sakop ng Pilipinas.