Nananatili pa ring committed sa pagtatanggol ng soberanya at teritoryo ng Pilipinas ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
Ito ang binigyang diin ng ahensya sa kabila ng tuluyang pag-alis ng BRP Teresa Magbanua sa Sabina Shoal dahil sa kakulangan ng pagkain at tubig na maiinum.
Sanhi rin ito ng mga ginagawang panghaharang ng mga barko ng China sa resuply mission ng mga barko ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Task Force on West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nakaranas rin ng masamang panahon ang naturang barko sa West Philippine Sea kaya naipilitan itong bumalik sa pampang.
Dehydrated naman ang mga tauhan nito dahil sa kawalan ng tubig na maiium at ang ilan ay nagkasakit na.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi ito nangangahulugan na isusuko na ng Pilipinas ang teretoryo nito .