ILOILO CITY – Nananawagan ang Philippine Coast Guard sa Malacañang na bigyan ng prayoridad ang pagpapatayo ng Iloilo Guimaras Negros Bridge.
Ito ay kasunod ng pagtaob ng tatlong bangka sa Iloilo Strait na ikinamatay ng 31 katao.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Commodore Allan Victor dela Vega, commander ng Philippine Coast Guard Western Visayas, sinabi nito na malaki ang maitutulong sa pagpapatayo ng tulay na dumudugtong sa tatlong mga lugar.
Ayon kay dela Vega, kapag masama ang panahon, delikado para sa mga pasahero na sumakay sa maliliit na bangka.
Kapag mayroong tulay, may alternatibong daanan ang mga nagnanais na tumawid sa Iloilo Guimaras vice versa at Guimaras Negros vice versa.
Napag-alaman na ang pinapayagan lang na pumalaot sa ngayon ay ang mga sasakyang pandagat o mga Roll On Roll Off vessel na may bigat na 250 gross tonage.