-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na aabot sa mahigit isang daang pamilya ang kanilang na rescue matapos ang serye ng pagbaha dulot ng walang humpay na pag-ulan sa Palawan.

Batay sa datos, nailigtas ng PCG ang kabuuang 108 na pamilya katumbas ng nasa 30 indibidwal.

Ang mga nasabing bilang ng indibidwal ay mula sa pitong barangay sa lungsod ng Puerto Princesa sa lalawigan ng Palawan.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang San Manuel, San Pedro, Bancao-Bancao, San Jose, Sicsican, Irawan, at maging ang Wescom Road.

Kaugnay nito ay tiniyak ng Philippine Coast Guard na patuloy ang kanilang monitoring sa mga kasalukuyang sitwasyon sa mga natukoy na lugar.

Layon ng hakbang na ito na mapabilis ang paghahatid nila ng kaukulang tulong sa mga residenteng apektado ng masamang lagay ng panahon.