ILOILO STRAIT – Nagpapatuloy ngayon ang paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philipine Navy sa na missing na mga pasahero ng tumaob na bangka sa Iloilo Strait.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senior Chief Petty Officer Albino Rodriguez, deputy station commander ng Philippine Coast Guard Iloilo, sinabi nito na muling ipagpapatuloy ngayong araw ang search and rescue operations sa Iloilo Strait at sa Guimaras Strait.
Kasama ng Philippine Coast Guard sa operasyon ang Philippine Navy na lalayag sa Northern Iloilo.
Maliban dito, may aerial survey rin na ginagawa ang Philippine Air Force gamit ang kanilang chopper.
Sa ngayon hindi pa rin pinapayagan na maglayag ang mga pumpboat via Iloilo Guimaras vice versa matapos maglabas ng gale warning ang Phillippine Atmospheric Geophysical and Services Administration (PAGASA).
Ang mga pinapayagan lang na maglayag ay ang mga malalaking barko kagaya ng roll on-roll off (Ro-Ro) vessel.
Napag-alaman na 28 pa rin ang casualty at 6 ang missing.