-- Advertisements --
Hinamon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko ng China Coast Guard (CCG) upang pigilan na makalapit sa baybayin ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCG, na-detect ang 99-meter CCG 3302 na papalapit sa loob ng 83 hanggang 85 nautical miles sa baybayin ng Palauig, Zambales.
Sa radio challenge, binigyang-diin na ang pagpapatrolya ng CCG 3302 ay paglabag sa Philippine Maritime Zones Act, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at sa 2016 Arbitral Award.
Kabilang ang CCG 3302 sa 9 na sasakyang pandagat ng CCG na iniulat na nagpapatrolya sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas noong Enero.