DAVAO CITY – Matagumpay na nailigtas ng mga personahe ng Coast Guard Station Davao Oriental (CGS Davao Oriental) ang isang motorized banca na M/B Hazel matapos itong hampasin ng malakas na alon dahil sa epekto ng Bagyong Auring sa Tibanban, Governor Generoso, Davao Oriental.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), patungong Davao gulf ang mga mangingisda ng makaranas ang mga ito ng engine trouble at inanud ng malalakas na alon.
Agad naman na nakaresponde ang mga personahe ng coast guard matapos na makatawag sa kanila ang pamilya ng mga mangingisda para humungi ng tulong.
Ayon sa mga mangingisda na sakay sa nasabing motor banca, hindi agad nadala ang kanilang banca sa malalakas na alon dahil katali ito sa isang Payaw.
Nasa ligtas naman ang kalusugan ng mga ito matapos isinailalim sa check up.