-- Advertisements --

(Update) TACLOBAN CITY – Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) Eastern Visayas na hindi overloading ang dahilan ng paglubog ng pampasaherong sasakyan pandagat sa karagatan na sakop ng Calbayog, Samar kahapon.

Ayon kay Lt. Junior Grade Welky Saga ng Philippine Coast Guard, nabutas ang sasakyan pandagat dahil sa malalakas na hampas ng alon.

Napasukan naman ng tubig ang naturang motorbanca na naging dahilan ng paglubog nito.

Sa ngayon ay nasa ligtas na ang kalagayan ng aabot sa 49 na mga pasahero kasama na ang pitong mga tripulante ng MV Miar Romces.

Nahila na rin ito papuntang pangpang bago pa man magkaroon ng oil spill.