Nilinaw ng Philippine Coast Guard na hindi provocative action ang ang muntikang banggaan ng Philippine at Chinese vessel sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos na maglabas ng pahayag ang China kung saan sinasabi nitong ang insidente ay “permeditated and provocative action.”
“The routine, seven-day maritime patrol carried out by the PCG in the WPS from April 18–24 was non-provocative and did not undermine the interests of other states,” ayon kay PCG spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela.
Dagdag pa ni Tarriela, hindi umano kailangang manghingi ng permiso ng PCG sa ibang bansa sa pagpatrol sa parte ng Ayungin Shoal dahil ito ay pag aari ng Pilipinas ayons sa 1982 United Nations Covention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nangyari ang insidente matapos na lumapit ang PCG sa may Ayungin Shoal, at maya maya pa ay naglayag rin ang Chinese Coast Guard na di hamak na mas malaki sa barko ng Philippine Coast Guard papunta sa direksyon nito.
Ayon pa sa Kapitan ng PCG, halos 45 meters ang lapit ng CCG at ang kanyang agarang aksyon na iwasan ang barko ang dahilan ng hindi nito pagbanggaan.
Samantala, nanawagan naman ang DFA sa China na respetohin ang legal na karapatan ng Pilipinas sa pagsasagawa ng maritime patrolling sa West Philippine Sea.