Binigyang linaw ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na walang kinalaman sa usapin ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea ang pagsagasa ng isang Chinese cargo vessel sa isang Filipino fishing vessel sa may bahagi ng naturang rehiyon.
Ayon sa Coast Guard, ito ay isalamang ordinaryong maritime incident na naitala sa karagatang sakop ng Paluan, Occidental Mindoro.
Sa isang pahayag, sinabi ni PCG Spox. Arman Bello ang lugar kung saan naganap ang insidete ay ruta talaga ng mga barko na patungo at mula sa Indonesia.
Nangangahulugan lamang ito na labas ang usaping ng China at Pilipinas sa WPS.
Dahil dito ay itinuturing lamang ng PCG ang nasabing insedente bilang ordinary pangyayari sa naturang karagatan.
Naglabas na rin aniya si Admiral Gavan na gumawa ng liham para sa Maritime Safety Administration ng China para maipalam ang insidente.
Layunin nitong makapagsagawa sila ng sariling imbestigasyon sa pangyayari.
Samantala, nasa maayos na kalagayan na ang limang Pilipinong mangingisda na sakay ng fishing vessel na binangga ng barko ng China.
Nakipag coordinate na rin ang ahensya sa BFAR para sa kinakailangang tulong ng mga mangigisdang biktima.