Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang nangyaring sea jacking incident sa Philippine-flagged cargo vessel na MV Jeselli na nasa bisinidad ng karagatan ng Zamboanga Peninsula.
Sa isang statement, sinabi ng PCG na nakatanggap ang CG District Southwestern Mindanao ng report noong Martes hinggil sa umano’y seajacking ng naturang barko na naglalaman ng 2.5 metrikong tonelada ng mais at may sakay na 17 tripulante kabilang ang kapitan ng barko.
Iniulat umano ng kompaniya ng barko ang naturang insidente sa PCG matapos na hindi makontak ang isa sa tripulante ng barko.
Sinabi din ng kompaniya na iniulat ng chief officer ng MV Jeselli na ninakawan ang kanilang cargo vessel ng isang wooden hull boat na tinatawag na batil at kinuha ang hindi matukoy na bilang ng cargo.
Ang cargo vessel nga ay umalis ng Bataan at dumaong sa may Tayud Anchorage Area sa Cebu para kumuha ng fresh ater bago magtungo sa General Santos City. Inalerto naman ang 3 barko malapit sa lugar para tumugon sa insidente.
Nayong araw ng Huwebes, nakontak ng barko ng PCG na BRP Capones ang MV Jeselli at nakipag-uganyan sa pagsasagawa ng Visit, Board, Search and Seizure (VBSS) sa pagdating ng cargo vessel sa may daungan sa General Santos City.
Dito, nakumpirma ng Coast Guard mula sa kapitan at crew na sakay ng cargo vessel na walang nangyaring sea jacking incident at wala ding wooden hull boat na kumuha sa kanilang cargoes.
Nagsagawa naman ang PCG ng safety inspection at sinuri ang mga dokumento ng barko.