-- Advertisements --
Melchora

Nilinaw ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na ang pagsabay ng BRP Melchora Aquino sa rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay isang routine.

Sa isang panayam sinabi ni Gavan na ang deployment ng 97 meter BRP Melchora Aquino ay naka depende sa magnitude ng operations na mayruon sila sa lugar kaya ang deployment nito ay bahagi ng kaniyang routine movement.

Inihayag ni Gavan na hindi nila dini-discount ang posibilidad na magiging bahagi pa rin sa iba pang mga mission ang BRP Melchora Aquino.

Dagdag pa ni Gavan na hindi ito ang una na nagpadala sila ng 97-meter vessel ang BRP Melchora Aquino sa lugar na isa sa pinakamalaking barko ng PCG.

“We are not discounting the possibility that she will also be part of other missions, but it can’t be a standard. The deployment will really depend on various factors. It is not the first time that we sent 97-meter (Melchora Aquino) in the area; it is routine, as we have said,” pahayag ni Gavan.

Binigyang-diin pa ni Gavan na ang “illegal, reckless, at irresponsible” actions ng China Coast Guard sa West Philippine Sea ay nagsasanhi ng pagdu-duda hinggil sa kanilang totoong identity bilang isang law enforcement service.

Mariing kinundena ng PCG ang “unprovoked acts of coercion and dangerous maneuvers” ng China Coast Guard laban sa isang legitimate at isang routine Philippine rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal.

Sa kabilang dako, iniulat naman ng Philippine Coast Guard na sa kabila ng ginagawang pangha-harass, mga delikadong manuevers, paggamit ng water cannon ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas, matagumpay pa rin naisagawa ang resupply mission.