-- Advertisements --
Naka-alerto na ang Philippine Coast Guard-North Easter Luzon na may sakop sa Central Luzon, Cagayan Valley, at Batanes, kasunod ng nagpapatuloy na pagbaha at pag-ulang dulot ng bagyong Enteng.
Ayon sa PCG-NEL, itinaas na nito ang alerto (high alert) sa mga sub-district na kinabibilangan ng Cagayan Station, Aurora, Batanes, Calayan, at Isabela, upang tumugon sa anumang pangangailangan.
Nakahanda na rin ang search and rescue operations team nito para sa mga emergency deployment sa mga komunidad na binabayo ng mga malalakas na pag-ulan at paghangin.
Bukas naman ang hotline ng ahensiya para sa sinumang mangangailangan ng tulong: 0997 163 2854.