-- Advertisements --
Itinigil muna ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahatid sa mga locally stranded individuals (LSIs) sa kani-kanilang rehiyon.
Ito raw ay upang makapagpahinga ang PCG personnel at maisailalim sa disinfection ang mga bus at barko na ginagamit sa paghahatid ng LSIs.
Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, binigyan ng dalawang linggong pahinga ang mga crew ng barko gayundin ang kanilang mga tauhan.
Inasahaan naman sa Setyembre ay muling magsisimula ang paghahatid ng LSIs sa mga lalawigan.
Sa huling tala ng PCG, umakyat na sa 997 ang frontline personnel ng PCG ang nagpostibo sa COVID-19 kung saan 870 na rito ang nakarekober.