-- Advertisements --
Nagpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng Philippine Coast Guard sa mga karagatang sakop ng Limay, Bataan.
Ito ay matapos na lumubog ang tatlong oil tanker ship na nagdulot pagtagas ng daladala nitong langis.
Ayon sa PCG, malaki na ang progresong naihatid ng Harbor Star, isang salvor ship na kanilang kinontrata.
Nailagay na rin aniya nila ang flange valve plates sa mga tangke ng langis ng lumubog na MTKR Terranova.
Wala ring patid ang pag iispray ng BRP Sindangan ng dispersant para naman sa mga langis na natukoy 500 meters mula sa ground zero.
Samantala, tiniyak ng PCG na magpapatuloy ang recovery efforts ng gobyerno hanggat hindi nareresolba ang naturang oil spill.