PCG, patuloy na hinahamon ang iligal na presensya ng CCG Vessel sa Zambales

63
-- Advertisements --

Patuloy na hinahamon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang iligal na presensiya at paglalayag ng Chine Coast Guard Vessel 5901 sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa layo na 60-70 nautical miles mula sa Zambales coastline.

Sa isang pahayag, sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ang kanilang 83-meter-French built na PCG vessel BRP Gabriela Silang ay muling nagisyu ng radyo sa CCG vessel 5901 na nagpaalala na ang kanilang ginagawa ay iligal at hindi pahihintulutan.

Sa pahayag, maliwanag umano ang mensaheng iniwan ng PCG na ang kanilang ginagawang paglalayag sa EEZ ng bansa ay ‘unlawful’ at hindi katanggap-tanggap.

Binigyang diin din ni Tarriela ang bahagi ng kanilang pag-radyo sa CCG kung saan malinaw na binanggit ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung saan parte ang China.

Aniya sa ilalim nito ay malinaw na nakasaad na ang ‘freedom of navigation for foreign-flagged vessels’ ay hindi maaaring pumasok sa loob ng EEZ ng isang bansa kabilang na ang Pilipinas.

Samantala, siniguro naman ni Tarriela na patuloy silang maninidigan sa kanilang commitment na magmonitor at hindi payagan ang iligal na aktibidad ng CCG sa katubigan ng West Philippine Sea.