Tuluyan nang nagsampa ng kasong kriminal at administratibo ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa isa sa mga tauhan nito na umano’y sangkot sa tangkang pangingikil sa isang job applicant.
Sinabi ng PCG na isinampa ang mga kaso laban kay Petty Officer Third Class (PO3) Ibrahim Banota na nagtangkang mangikil ng PHP150,000 sa isang aplikante kapalit ng garantisadong pagtanggap sa serbisyo.
Batay sa impormasyon , naganap ito sa gitna ng patuloy na cycle ng recruitment ng PCG sa buong bansa para sa taong 2024.
Ang tangkang pangingikil ay unang naiulat noong Mayo 19 ng taon ito.
Si Banota, na bahagi ng PCG Station Western Tawi-Tawi na nakabase sa Zamboanga City, ay naaresto sa isang entrapment operation makalipas ang limang araw.
Dahil dito ,nahaharap siya sa kasong estafa at kasong administratibo.
Hinimok naman ng PCG ang publiko na iulat ang mga naturang ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa recruitment nito.