Pinasinayaan na sa publiko ang bagong tatag na Philippine Coast Guard-Philippine Ports Authority (PCG-PPA) K-9 Training Academy.
Ito ay magsisilbing pangunahing provider ng K-9 security services sa buong bansa na magbibigay rin ng mataas na pamantayan para sa K- 9 based safety and protection sa Pilipinas.
Ginanap ng turnover ceremony para sa naturang proyekto sa Barangay Dolores, Mabalacat, Pampanga.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, nais lamang ng kanilang ahensya na magkaroon ng mas episyente at mas praktikal, at cost-effective na pagpapalago ng K-9 capability sa pamamahala ng Philippine Coast Guard.
Aniya, layon nito na magkaroon tayo ng isang uniform, iisang standard, at iisang panuntunan upang magkaroon ng dekalidad na serbisyo sa larangan ng K-9 services sa buong bansa.
Malaki rin ang demand ng K-9 units dahil na rin sa ibat-ibang usapin sa banta sa seguridad.