Rumesponde na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa oil spill na naganap sa isang shipyard sa New Washington, Aklan.
Sinabi ng PCG na ang oil spill sa Metallica Shipyard sa Barangay Polo, New Washington ay naitala alas-10:42 ng umaga ng may-ari mismo ng shipyard na si Eng. Jonathan Salvador.
Hindi naman agad na masabi ng pamunuan ng PCG ang kabuuang lawak ng oil spill.
Nagpadala na rin ito ng mga tauhan sa lugar upang tumulong na mabawi ang mga natapong langis.
Sinabi nito na ang naturang shipyard ay kumuha ng 39 karagdagang manggagawa upang tumulong sa pag alis ng langis at debris nito.
Binigyang diin pa ng PCG na tinalakay nito ang “mga diskarte sa pagtugon” sa lokal na pamahalaan at hiniling sa lokal na tanggapan ng kalusugan na tumulong sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga tresponders.
Magkatuwang naman ang PCG ang mga opisyal ng gobyerno sa sitwasyon sa lugar.