Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigpit nilang bantayan ang overloading ng mga pasahero at cargoes sa mga barko ngayong Semana Santa upang matiyak magiging safe and secure ang mga bakasyunista at turista ngayong mahal na araw.
Ayon kay PCG Deputy Spokesperson Commander Michael John Encina nasa 17,000 PCG personnel ang kanilang idineploy ngayong Holy Week sa ibat ibang pier sa buong bansa para magsagawa ng pre-departure inspection.
Sinabi ni Encina bukod sa mga pre-departure inspection sa mga barko magsasagawa din ang PCG ng inspeksyon sa ibat ibang resorts sa bansa.
Pina-alalahanan din ng PCG ang mga shipping owners na huwag samantalahin ang Semana Santa dahil mananagot ang mga ito kung hahayaan nilang mayruong overloading sa mga pasahero at cargoes.
Upang matiyak ang seguridad sa mga barko at pantalan magsasagawa din ng panelling ang kanilang mga K-9 dogs.
Naka-alerto din ang mga barko ng PCG para rumisponde sa anumang mga maritime incident.
Nakikipag-ugnayan din sila sa mga coastal barangays para tulungan sila sa pag monitor sa anumang mga posibleng sakuna na mangyari sa karagatan.
Siniguro ng PCG na lahat ng mga bumibiyaheng barko ay naabot ang seaworthiness standards.
Ngayong Holy Week mahigpit na minomonitor ng PCG ang mga malalaking pier sa bansa dito sa Maynila ang North Harbor, Batangas port, Cebu at Zamboanga port.