Nagpadala na rin ang Philippine Coast Guard-Southern Tagalog ng karagdagang pwersa sa Bicol upang tumulong sa mga nagpapatuloy na search and rescue operations, kasunod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Aabot na sa 85 katao ang nailigtas ng team sa kanilang operasyon.
Kasama sa mga nailigtas ang 62 katao na stranded, kabilang ang ilang lokal na opisyal na miyembro ng pamilya Villafuerte, tatlong buntis, limang kabataan, dalawang sanggol, at isang senior citizen na na-trap sa kanyang bahay.
Mayroon ding siyam na katao na na-trap sa isang pagawaan ng LPG at tatlong iba pang tao na napakiusapang lumikas.
Katuwang ang iba pang ahensya at lokal na awtoridad, mas pinalawak ang search and rescue operations sa nasabing lalawigan, gamit ang mga truck at rubber boats upang maayos na maisakay ang mga residente at isagawa ang misyon para sa iba pang posibleng na-trap sa kanilang mga tahanan.