-- Advertisements --

Target ng Philippine Coast Guard (PCG) na maging pinakamakapangyarihang coast guard sa buong Southeast Asia sa lima hanggang pitong taon.

Inaasahan kasi ng PCG na magkakaroon ng karagdagang 46 na bagong barko sa mga susunod na taon.

Ayon kay PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, inaprubahan na ng administrasyong Marcos ang pagbili ng limang 97-meter cutters mula sa Japan.

Maliban dito, apprubado na rin ang 40-unit ng 35-meter vessel mula sa France.

Isang 60-meter cutter din ang planong gawin sa isang shipyard sa Cebu.

Maliban sa 46 na bagong barko para sa PCG, inaasahan din ng ahensiya ang tuluyang paglilipat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Red Cross sa tig-isa nilang barko papunta sa PCG.

Ayon pa sa PCG commandant, inaasahan ding masusundan pa ito mula sa pribadong sektor.

Ayon sa opisyal, sa pamamagitan ng suporta ng kasalukuyang administrasyon ay posibleng maaabot nito ang inaasam na pinakamakapangyarihang coast guard sa Timog-Silangang Asiya sa mga susunod pang taon at mapanatili nito ang mas malawak na pagpaparolya sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.