-- Advertisements --
image 470

Siniguro ng Philippine Coast Guard na may mananagot sa pagtaob ng isang passenger boat sa Binangonan, Rizal, kahapon.

Ang nasabing insidente ay nagresulta sa pagkakitil sa buhay ng halos tatlumpong katao.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson, RAdm. Armand Balilo, agad nilang isinagawa ang imbestigasyon ukol sa nangyaring insidente.

Pangunahin sa kanilang titingnan dito ay ang posibleng pananagutan ng operator ng nasabing motorbanca.

Kabilang na rin dito ang kanilang mga tauhan na naka-duty nang oras na iyon.

Paliwanag ng Coast Guard official, hindi tugma ang lumalabas na manifesto na isinumite ng operator ng lumubog na motorbanca dahil nasa 20 lamang ang opisyal na nakatala dito habang lumalabas na umabot sa 70 ang nakasakay sa nasabing banka.

Pagtitiyak ng opisyal na tututukan nila ang magiging kabuuang takbo ng nasabing imbestigasyon.