Siniguro ng Philippine Coast Guard ang pagtutok sa sitwasyon ng mga binahang komyunidad sa Minandao, dala ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Ayon sa Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), nananatiling nakadeploy ang mga banka nito upang umalalay sa mga residente na nangangailangang mailikas sa gitna na rin ng pagbaha.
Maliban sa mga inilikas, nakapagtala na rin ang PCG ng 16 grounded vessel na patuloy umanong binabantayan ng mga naka-deploy na personnel.
Naimpormahan na rin ng PCG ang mga may-ari ng mga naisadsad na barko para sa posibleng paghila o paghatak sa mga ito, parang muling maayos.
Sa kasalukuyan, binabantayan din ng ahensiya ang mga katubigan sa Mindanao para sa posibilidad ng oil spill dala na rin ng mga naisadsad na banka, sa tulong ng Marine Environmental Protection Command (MEPG).
Apela ng ahensiya sa mga manlalayag at mga marino, suspendihin na pansamantala ang paglalayag, lalo kung maramdamang malalakas ang mga paghangin at mga pag-ulan.
Maaari ding tumawag sa incident monitoring team Zamboanga na may numerong 0927-064-4733.