-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi maaantala ang biyahe ng mga cargo vessels na may mga dalang basic commodities.

Ito’y sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng mga checkpoints sa iba’t ibang pier sa buong bansa kasunod ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PCG Spokesperson, Commo. Armand Balilo, pinatitiyak ni Coast Guard Commandant Adm. Joel Garcia na hindi madi-delay ang biyahe ng mga cargo vessels na bitbit ang mga pangunahing pangangailangan.

Paglilinaw ni Balilo mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglalayag ng mga barko dahil sa banta ng COVID-19.

Sa Kalakhang Maynila naman, tumutulong din ang PCG sa mga quarantine checkpoints.

May alok din ang ahensiya ng libreng sakay para sa mga medical workers at iba pang mga essential workers.