Nag-deploy na ng humanitarian assistance and disaster response units mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar na apekatdo ng matinding pag-ulan dala ng low pressure area.
Kabilang sa mga lugar na ito na nakakaranas ng mga pag-ulan ay sa National Capital Region (NCR), Eastern Visayas (Region 8), at Mimaropa (Region 4B).
Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, AFP spokesperson, pinakilos na ang dalawang light urban search and rescue teams mula sa 525thEngineer Combat Battalion at 51st Engineer Brigade para magsagawa ng humanitarian assistance sa Metro Manila ngayong araw.
Naka-alerto din para sa posibleng search at rescue operations ang 802nd Infantry Brigade ng 8th Infantry Division na nakabase sa Eastern Visayas.
Samantala, mayroong nasa halos 2,000 pamilya na sa may coastal municipalities ng Brooke’s point at Sofronio Espanola sa Palawan ang inilikas mula kahapon.
Abot hanggang dibdib ang tubig-baha na naranasan ng ilang residente sa may Brooke’s point kasunod ng walng patid na pag-ulan sa Palawan.