NAGA CITY – Umaapela ngayon ng tulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko para matukoy ang natitira pang suspected floating cocaine na posibleng nasa karagatang sakop ng Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay ENS Bernard Pagador Jr., station commander ng PCG-CamSur, sinabi nitong mas pinahigpit pa nila ang information dissemination lalo na sa mga coastal barangays para makatulong sa pagrekober sa mga posibleng cocaine na nananatili pa sa gitna ng karagatan.
Ayon kay Pagador, may mga nakalaan din silang reward para sa sinumang residente na makakapag-turn over sa kanila ng naturang mga floating package.
Kung maaalala kamakailan lamang ng matagpuan ng isang mangingisda ang isang kilo ng cocaine na tinatayang nasa mahigit P5 milyon ang halaga sa baybayin na sakop ng San Jose, Camarines Sur.