Nilisan na umano ng Philippine Coast Guard vessel BRP Teresa Magbanua ang Sabina Shoal sa West Philippine Sea.
Ito ay batay sa ulat ng U.S. Naval Institute (USNI).
Nasundan ang BRP Teresa Magbanua ng AIS data na na post sa kanilang social meda nitong Biyernes at nakitang lumayag patungo sa Sulu Sea.
Sa kabilang dako, wala pang opisyal na pahayag ang Philippine Coast Guard ukol dito.
Kung maalala na deploy ang BRP Teresa Magbanua sa Sabina Shoal o mas kilala bilang Escoda Shoal mula pa nuong April 15,2024.
Naging kontrobersiyal din ang ginawang pagbangga ng China Coast Guard sa BRP Teresa Magbanua na nagtamo ng mga damages.
Sa kabilang dako, iniulat ng PCG nuong buwan ng Mayo na may mga durog na corals ang tinambakan malapit sa Sabina Shoal kahalintulad na nakita nila sa may Sandy Cay.
Ayon sa Filipino marine biologist ito ay dahil sa island-building activities sa West Philippine Sea.
Inihayag ng PCG na ang pag-imbak ng mga durog na corals sa Sabina Shoal ay posibleng paghahansa sa reclamation activities ng China.
Sa kabilang dako, Foreign Affairs Undersecretary Theresa Lazaro nagkaroon ng isang “frank and candid exchange of views” sa kanilang counterpart na si Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong ng magpulong ito sa Beijing nuong Sept. 11, subalit hindi nagkaroon ng breakthrough sa kung paano maresolba ang nagapatuloy na giriian sa Sabina Shoal.
Kapwa nanindigan ang Pilipinas at China sa kanilang mga posisyon sa Sabina Shoal, nangako naman ang mga ito na maghanap ng paraan para maiwasan ang mga komprontasyon.
Ang Sabina Shoal ay matatagpuan 75 nautical miles o nasa 140 kilometers off Palawan at nakapaloob ito sa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.