-- Advertisements --

Walang naitatalang “major problem” ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong nagsimula nang bumalik sa Metro Manila ang mga pasahero na umuwi sa kanikanilang mga probinsya para sa Holy Week.

Ayon kay PCG spokesperson Captain Armand Balilo, wala pa naman daw silang nakikitang problema dahil ang security measures na paniiral nila ay kaparehas lamang sa mga nakalipas na araw.

Gayunman, inaasahan daw nila na dadagsa na simula ngayong araw hanggang bukas ang mga biyahero pabalik ng Metro Manila lalo na sa mga RoRo ports.

Sinabi ni Balilo na 112,000 pasahero sa mga pantalan sa bansa ang kanilang naitala noong Good Friday.

May naka-standby daw sa ngayon na mga barko na may special permits na handang i-deploy sa oras na magkaroon ng shortage sa mga vessels.