-- Advertisements --

Dumepensa ang Presidential Communications Office (PCO) sa ginawang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ilang mga kongresista nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa PCO na ang nasabing pagpupulong sa Malacañan ay isang uri ng fellowship sa pagitan ng Office of the President at miyembro ng House of Representatives.

Paglilinaw nila na matagal na itong naiplano at limitado lamang ang nag-cover.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang PCO ukol sa nasabing pagpupulong.

Isinagawa ang pagpupulong sa gitna ng pagsasampa ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.