Iginiit ni Senador JV Ejercito na kinakailangang gumawa pa ng dagdag na diskarte o istratehiya ang Presidential Communications Office (PCO) para epektibong magpalaganap ng impormasyon at labanan ang isyu ng fake news sa bansa
inaprubahan ng panel ang panukalang P1.921 bilyong pondo ng PCO, kasama ang attached agencies at government-owned and controlled corporations (GOCCs), para sa fiscal year 2024 at inendorso sa plenaryo para sa deliberasyon nito.
Hinimok ng Senador ang information at communication arm ng gobyerno na maglaan ng pondo para sa mga indibidwal na nakatuon lamang sa pagsugpo sa fake news sa social media.
Ayon sa mambabatas, malaking hamon ang pagtugon sa mga nagpapakalat ng fake news lalo na dahil mahirap panagutin ang mga nasa mainstream media.
Nabanggit ni PCO Usec. Emerald Ridao ang isang pag-aaral na ginawa ng ahensiya kung saan siyam sa 10 Pinoy ay naapektuhan ng misinformation at disinformation, isang indikasyon na isa itong mahalagang isyu sa lipunan.
Sa nasabing survey, ipinunto pa ng opisyal na ang mga kabataan ang pinaka-bulnerableng demograpiko dahil madalas silang naka-online at gumagamit ng digital devices.
Aniya, plano ng PCO na palawakin pa ang kanilang mga inisyatibo sa mga darating pang mga taon para maabot ang mga out-of-school youth kasama na ang mga senior citizen.
Naniniwala naman si Ejercito na dapat mamuhunan ang gobyerno sa larangan ng information at journalism.