Ipinagtanggol ng Presidential Communications Office (PCO) ang pag-ani ng batikos sa nagdaang kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inimbitahan sa isang mamahaling hotel sa Pasay City ang English pop rock band na Duran-Duran para sa ika-67 kaarawan ng Pangulo nitong Biyernes.
Ayon kay PCO Secretary Cesar Chavez, na walang nagastos ang gobyerno sa nasabing handaan.
Ang nasabing kasiyahan aniya ay ginastusan ng mga malalapit na kaibigan ng Pangulo.
Isang surpresa umano ang nasabing pagtanghal ng Duran-Duran na ikinagulat rin ng pangulo.
Giit pa ni Chavez na noong mismong kaarawan ng Pangulo ay naging abala ito sa pagtulong sa mga mahihirap at may sakit ganun din ay nagbigay din ito ng tulong sa mga magsasaka.
Sa katunayan aniya ay binuksan pa umano nito ang Malacanan Palace para sa lahat kung saan may inihain na libreng pagkain.
Magugunitang umani ng negatibong reaksyon ang nasabing private birthday kung saan umabot umano sa mahigit $700,000 o katumbas ng mahigit P35-milyon ang ibinayad sa nasabing English pop rock band para sa private event habang ang venue ay mayroong mahigit na P38-milyon ang nagastos.