Ipinaliwanag ng Presidential Communications Office (PCO) ang kumakalat na video kung saan makikita ang isang indibidwal na may iniabot na bagay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang nasa isang pagtitipon.
Sa video na ipinost, nanawagan ang PCO sa publiko na maging mapanuri, nilinaw na ang iniabot na bagay ay isang lapel pin na may simbolo ng kanilang politikal na partido, at ang nag-abot nito ay isang sibilyan na naghihintay na makapagpa-selfie sa pangulo.
sinabi ng PCO na ginagamit ng ilang indibidwal ang mga ganitong uri ng content upang magpalaganap ang maling naratibo.
Dahil umano sa pagputol at pag-blur sa video at pagbibigay ng maling konteksto, naglitawan ang samu’t saring haka-haka mula sa netizens, kabilang na ang ilang nagsabi na ang iniabot na bagay ay isang sachet na may lamang “white substance”.
Dahil Dito, hinikayat ng PCO ang publiko na mag-isip, magsaliksik, alamin ang buong kwento, obserbahan ang mga detalye, at huwag magpaloko sa fake news.