-- Advertisements --

Binalaan ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na huwag maniwala sa kumalat na anunsiyo na walang pasok.

Ayon sa PCO na hindi sila naglabas ng anumang anunsiyo na kanilang sinususpendi ang pasok sa paaralan at gobyerno mula Oktubre 28 hanggang 31.

Pinayuhan nila ang publiko na suriin mabuti ang mga nababasang impormasyon sa social media.

Dagdag pa nila na dapat ay i-follow ang opisyal na mga social media pages ng PCO.