-- Advertisements --
Plano ngayon ng Presidential Communications Office (PCO) na magsagawa ng fact-check training sa mga iba’t-ibang media organizations na pag-aari ng gobyerno.
Layon nito ay para labanan ang misinformation at mga fake news.
Magsisimula ang training sa Luzon mula Pebrero 13 hanggang 14 habang sa Visaya ay mula Pebrero 20 hanggang 21 at sa Mindanao ay mula Pebrero 27 at 28.
Pag-aaralan nila kung paano matutuwid ang mga maling impormasyon lalo na ngayong panahon ng digital age.