-- Advertisements --
Paiigtingin ngayon ng Presidential Communication Office ang kanilang kampanya kontra sa fake news.
Sinabi ni PCO Secreary Cheloy Garafil, na magtutungo sila sa mga paaralan para palaganapin ang paglaban ng mga pagkalat ng mga fake news.
Layon ng nasabing programa na maturuan ang mga bata tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang impormasyon.
Noong nakaraang buwan ay inilunsad nila ang Media Information Literacy Campaign na siyang magtuturo sa mga kabataan at mga paaralan para labanan ang fake news.
-- Advertisement --