-- Advertisements --

Nagsumite ng kanyang irrevocable resignation si Acting PCO Secretary Cesar Chavez.

Sa statement na inilabas ni Chavez, napag- alamang February 5 pa nito isinumite ang pagbibitiw.

Nakapaloob sa inilabas na pahayag ni Chavez na aalis siyang may panghihinayang gayung sa kanyang palagay aniya ay hindi niya lubos na natugunan ang inaasahan sa kanya.

Sa gitna nitoy inilarawan ni Chavez na sa bawat araw ng kanyang paglilingkod ay itinuring niyang kanyang huling araw na , na Ang ibig sabihin ay ibinuhos niya Ang kanyang buong makakaya.

Kaugnay nitoy nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Chavez Kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa aniyay pagkakataon at karangalang makapagsilbi sa Administrasyon nito gayundin sa tiwala at kumpiyansa na ipinagkaloob sa kanya.

Sinabi ni Chavez na mananatili siya hanggang February 28 sa PCO o maaaring mas mapaaga pa at ito ay sa sandaling makakuha na Ang Palasyo ng kanyang kapalt sa PCO.

Pagtiyak ni Chavez mananatili siya bilang isang tagasuporta ng administrasyong Marcos at patuloy na susuportahan ang adhikain nito habang tinatahak ang bagong landas sa labas ng gobyerno ngunit mananatili pa rin aniya siya sa larangan ng pampublikong serbisyo.

Sa kabilang dako usap usapan din na ang dating TV reporter na si Jay Ruiz ang napili para maging kapalit ni Sec Chavez para mamuno sa PCO.

Gayunpaman wala pang opisyal na pahayag ang Malakanyang ukol dito.