-- Advertisements --

Naniniwala si Presidential Communications Office Secretary Jay Ruiz na may ikinakasang “demolition job” laban sa kaniya na layong patalsikin siya sa pwesto.

Sa isang panayam sinabi ni Ruiz na isang linggo pa lamang siya sa pwesto pero tila may gusto na agad siyang paalisin.

Paglilinaw ni Ruiz, hindi naman niya ginusto ang posisyong ito, biglaan nga aniya ang lahat ng ito na hindi naman niya tinanggihan sa kagustuhang makatulong sa Marcos administration para labanan ang fake news.

Pero hindi niya akalain na siya mismo ang mabibiktima ng fake news.

Sinabi ni Ruiz na una na niyang inag isipan kagabi na maghain ng kaso sa mga nagpakalat ng fake news laban sa kaniya subalit nagbago ang kaniyang isip dahil baka lalo lamang aniya siyang mawalan ng pokus sa trabaho.

“Pakiusap ko lang, sana naman kunan naman ang panig ko, sana naman the greater the accusation, the greater the fact-checking and make sure that you ask the person that’s being accused. Isipin mo ito partner ha, masakit na kakilala ko pa, sa mga kakilala ko pa galing na akala ko’y mga kaibigan ko. Pero iyong greater impact nito and consequence ako okay lang, batuhan ninyo ako ng putik, kasama sa trabaho iyan. Pero ang hindi ko inaakalang mangyayari na doon ako medyo tinamaan, iyong mommy ko 78 years old, may heart disease, na-high blood kahapon. Sabi, “Anak, ano ito?” “Ma, hindi po totoo iyan,” pahayag ni Sec. Ruiz.