-- Advertisements --

Pabor si Presidential Communications Office Secretary Jay Ruiz sa posibilidad na magkaroon ng regulatory body na magbabantay sa mga vlogger, social media influencers, at content creators.

Ayon sa kalihim kailangan na kasing matigil ang mga nagpapakalat ng fake news o mga maling impormasyon sa publiko.
kung ang ibat ibang media platforms ay may mga regulatory body tulad sa radyo. telebisyon, at mga pelikula, bakit hindi aniya ganito rin ang gawin sa social media.

Marapat kasi aniyang may pananagutan ang bawat isa sa mga inilalabas na impormasyon kahit saang platform pa ito, dahil nakasalalay dito ang kapakanan ng publiko at national security.

Sinabi ni Ruiz na pag aaralan ng kanilang legal team kung maaaring magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng fake news na may mabigat o malaki ang epekto laban sa bansa o sa seguridad ng bansa.