Pormal nang nanumpa kay Pang. Ferdinand Marcos, Jr. ang dating broadcast journalist na si Jay Ruiz bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
Pinalitan ni Ruiz sa pwesto na si Cesar Chavez na nagbitiw sa pwesto.
Bukod kay Ruiz, nanumpa rin bilang Undersecretary ang lawyer-broadcaster na si Atty. Clarissa “Claire” Castro, na magsisilbi ring Palace Press Officer, at siyang mangnguna sa mga press briefing ng Palasyo.
Personal na ipinakilala ni Chavez sa Malacanang Press Corps at mga kawani ng PCO sina Ruiz at Castro matapos ang kanilang oath-taking.
Nilinaw naman ni Castro na hindi spokesperson o tagapagsalita ng pangulo ang kanyang magiging tungkulin pero tutulong siya na magpapaliwanag ng mga pahayag at polisiya ng pangulo.
Sa ngayon tututukan aniya ni Ruiz ang “smooth transition” sa PCO para maihatid ang direktiba ng pangulo na iparating sa publiko ang mga programa ng gobyerno at tamang impormasyon.