Mariing pinasinungalingan ni Presidential Communications Office Secretary Jay Ruiz sa lumabas na balitang may ari sya ng kompanyang Digital8 Incorporated, na nakakuha ng P206- milyong pisong deal sa PCSO.
Sa isang interview, tahasang sinabi ni Ruiz na malisyo at fake news ang inilabas na ulat mula sa isang online news site.
Ikinasama rin ng loob ng Kalihim na hindi man lang aniya sya kinuhanan ng panig ng mga nagpapatakbo ng naturang news site lalo pa at itinuturing niyang kaibigan ang mga ito.
Naging emosyonal din si Ruiz lalo at naapektuhan ang kanyang pamilya sa lumabas na balita.
Dahil dito, nag-aalala rin aniya siya ngayon sa kaligtasan ng kaniyang mga anak at asawa dahil sa tila ipinalalabas na mayroong siyang milyon milyong halaga pera.
Inihayag ni Ruiz na mapatutunayan aniya sa Securities and Exchange Commission kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing kumpanya.
Aminado naman si Ruiz na mayroon talaga siyang ibang mga kumpanya tulad ng political communications management na siya aniya aniyang pinaghahandaan para i-divest.
” Marami akong nakikitang dahilan siguro dalawa/tatlo. Mayroon kasing mga mangyayari dito na kinakailangan kong gawin. Mayroong balasahan na mangyayari, ang utos ng Executive Secretary lahat, from Director up, kailangan magsumite ng courtesy resignations. I don’t know kung bakit I don’t know mayroon akong slight na siguro kung bakit nila ginagawa ito, ano,” pahayag ni PCO Sec. Ruiz.