-- Advertisements --

Sinagot ng Presidential Communications Office (PCO) ang naging komento ng ilang mga gymnast na sina Aleah Finnegan at Emma Malabuyo sa hindi umano sila naimbitahan.

Sinabi ni Assistant Secretary Dale de Vera na lahat aniya ng mga atletang Pinoy na sumabak sa Paris Olympics.

Idinaan aniya nila ang imbitasyon sa Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.

Una rito ay sinabi ng dalawang gymnast na kaya wala sila welcome ceremony sa Malacañang nitong nakaraang Martes ay dahil sa hindi umano sila naimbitahan.