Siniguro ng Presidential Communications Office na patuloy ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para matulungan ang mga magsasakang apektado ng El Niño phenomenon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary at Task Force El Niño Spokesperson Joey Villarama na walang humpay pa rin ang direct interventions ng pamahalaan.
Layon nitong maalalayan ang mga apektadong magsasaka at upang makabawi ang mga ito mula sa mga pagkalugi.
Kasama sa mga ipinapaabot ng gobyerno ay heat tolerant seeds, domestic animals bukod pa ang social protection assistance at financial aid.
Sinabi pa ng opisyal na isinasaayos rin ang mga irrigation canals sa bansa.
Ito ay upang matiyak ang sapat na tubig sa mga pananim ngayong tag-tuyot.
Sa datos ng PCO, aabot na sa halos 4,000 magsasaka ang apektado ng sobrang init ng panahon mula sa Regions 6 at 9.