-- Advertisements --

Pinuna ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang ginawang pagbatikos ni US Senator at Democratic Party presidential nominee Bernie Sanders sa ginagawang pag-aresto ng gobyerno sa mga progresibong grupo.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, na nagpapakitang gilas lamang para sa nalalapit na halalan.

Hindi dapat nangingialam ito sa problema ng bansa dahil wala itong alam sa anumang problema sa bansa.

Dagdag pa ng kalihim na ang mga operasyon na isinasagawa ay lehitimo dahil ito ay isinasagawa ng legal.

Nauna rito binatikos ni Sanders sa pamamagitan ng kaniyang social media account na lumalabag ang Pilipinas sa karapatang pantao sa mga iba’t-ibang anti-kriminal at anti-drugs operations sa bansa.